Leviticus 23:26-32

Ang Araw ng Pagtubos

(Bil. 29:7-11)

26 27 28
The text of verses 26-Lev 23:28 has been merged.
Ang ikasampung araw ng ikapitong buwan ding iyon ay Araw ng Pagtubos.
Araw ng Pagtubos: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon kundi magtipon kayo sa pagsamba sa Panginoon na may pag-aayuno at pag-aalay ng handog sa pamamagitan ng apoy. Sapagkat sa araw na iyon gagawin ang seremonya ng pagtubos sa inyong mga kasalanan sa Panginoon na inyong Dios.
29Ang ayaw mag-ayuno sa araw na iyon ay huwag na ninyong ituring na kababayan. 30Papatayin ng Panginoon ang sinumang magtatrabaho sa araw na iyon. 31 32Kaya magpahinga kayo at mag-ayuno mula sa paglubog ng araw nang ikasiyam na araw ng buwang iyon hanggang sa susunod na paglubog ng araw. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito kahit saan kayo tumira, kayo at ng susunod pang mga henerasyon.

Copyright information for TglASD